Ang aking puso’y di marunong umibig
Ang damdamin ng iba ay di naririnig
Ngunit nang masilayan ang iyong mukha
Ang aking puso sayo lamang nagkadiwa
Binigyan mo nang kulay ang aking buhay
Ikaw ang siyang naiisip sa ‘ming bahay
Lalo pa kitang minahal sa nalaman
Kapwa pala tayong nagmamahalan
Ngunit sa ‘yong pag-ibig ay nangulila
Ikaw pala’y may higit na sinisinta
Ano bang mayroon siya na wala ako?
Bakit di magawang ibigin ng buo?
Ako’y maghihintay para sayo lamang
Patutunayan ang pag-ibig na ‘di linlang
Bangkang nasa buhangin ang tutularan
Di aalis hangga’t di ikaw ang sagwan.
inspired tlga ay nako sabi sau masarap mag blog ^^
ReplyDeleteAko’y maghihintay para sayo lamang
ReplyDeletePatutunayan ang pag-ibig na ‘di linlang
Bangkang nasa buhangin ang tutularan
Di aalis hangga’t di ikaw ang sagwan.
wow!
hahaha. . iba n ang may pnanghu2gutan. .
ReplyDeletesana ma_appreciate nia yn. .