Tuesday, January 25, 2011

BANGKANG NASA LUPA




                                                                    
Ang aking puso’y di marunong umibig
Ang damdamin ng iba ay di naririnig
Ngunit nang masilayan ang iyong mukha
Ang aking puso sayo lamang nagkadiwa

Binigyan mo nang kulay ang aking buhay
Ikaw ang siyang naiisip sa ‘ming bahay
Lalo pa kitang minahal sa nalaman
Kapwa pala tayong nagmamahalan

Ngunit sa ‘yong pag-ibig ay nangulila
Ikaw pala’y may higit na sinisinta 
Ano bang mayroon siya na wala ako?
Bakit di magawang ibigin ng buo?

Ako’y maghihintay para sayo lamang
Patutunayan ang pag-ibig na ‘di linlang
Bangkang nasa buhangin ang tutularan
Di aalis hangga’t di ikaw ang sagwan.